Napaisip ako... "Maswerte nga siya."
Mga dalawang taon na din ako nagaantay ng pagkakataon. Makita lang, makasama, kwentuhan, inuman -- kahit pa tubig lang. Gusto ko lang talaga siya pero ang magulo don, hindi ko alam kung gusto nya din ako. Minsan iniisip ko oo, gusto nya din ako. Pero parang malabo pa din. Hirap kasi nya i-pinta.
Pumasok ka?
Pmaz0k akow. Bkt?, reply nya.
Binabakla pa din nya ako. Palitan ko daw kasi ang "s" ng "z" para mas zozyal. At dapat daw parang mayroon akong braces or singaw para bawat labas ng salit sa bibig ko parang hirap na hirap ako.
Absent?, YM ko sa kanya.
Nada, sagot nya.
Kasi invisi(ble) nanaman.
Hahaha gnun tlga!
Kala ko tuloy di ka naka pasok.
Hahaha!
Ayy zorri pazok pala.
Anu ggwin mo kng d ako nkpasok?, tanong nya.
Eh padadalan ka ng sopas sa bahay mo.
Haha, sopas tlga. Very provincia.
Hehehe! And very sweet, sabi ko.
And very drama. Hahaha!
And very arti!, sabay ngiti habang nakatitig sa harap ng computer ko.
Hahahah namaernch!, sagot nya.
Ayaw nya kasi ng ma-drama. Ayaw nyang pinaguusapan ang mga bagay ukol sa puso. Mailap nga kasi siya sa mga ganong bagay. Dinadaan ko na lang sa biro. Pero ang totoo gusto ko lang siyang mapaamin. Mahirap lang talaga. Mas gusto nya daw kasi na pinaparamdam na lang kaysa sinasabi.
Hindi naman siguro siya papayag makasama ako kung ayaw nya. Siguro nga.
Ikunuwento nya ang mga nangyari. Napapailing ako kapag binabanggit nya ang pangalan nung isa. Yung salarin kung bakit halos walong buwan akong di nagparamadam sa kanya. Ayaw ko din kasi magmukhang tanga pa at umasa. Siguro nga mabait lang talaga ako. Alam ko din kasi kung saan dapat lumugar ng ayon. Sabi nya pinagsawaan daw siya. Hindi ko lubos maisip kung paano nangyari yun. Ang asa loob ko lang masyado siyang masarap makasama para pag sawaan. Mas malaki pa palang tanga yung isa kaysa sa akin. Magkaibigan daw sila pero parang nararamdaman ko pa ding may pagtingin siya sa kanya.
Gusto mo pa ba siya?
Noong kahihiwalay pa lang, oo.
May kumirot ng onti. Madrama nga kasi.
Eh baket di kayo magkabalikan?
Di naman kasi siya nakikipagbalikan eh. Saka, wala akong nakitang pagbabago.
Isa pa rin daw siyang matanda na may utak ng isang bata. Immature ika nga.
Dapat nakuntento na ako sa sagot nya. Pero mashado na ako maraming pinagdaanan para malaman din na dapat na lang akong manahimik. Nakuntento na lang ako sa pag titig sa mukha nya. Pinagmamasdan bawat kilos, bawat tingin, bawat ngiti. Masarap maramdaman pero mahirap din. May onting sakit, onting asim pero nawawala din dahil naalala kong kasama ko siya ngayon. Para sa akin, ok na yun sa ngayon. Bahala na bukas.
Naisip ko, maswerte yung isa, yung dating mahal nya. Pero maswerte na din ako ngayon at kasama ko siya. Yun nga lang, mas maswerte pa din yung isa kasi minahal niya. Sana ako din.... balang araw.
Magdadalawang taon na pero hindi pa din ako nagsasawa. Kinikilig pag nakikita. Natutuwa pag nakaksama. Masaya pag kausap.
May drama, kaonting arte pero umaasa pa din na bukas makalawa sana, makita niya na ako yung taong sasalubong sa kanya pag uwi. Makikinig sa kwento ng araw nya. Nakangiti.
Masaya.
Love letters and idealisms by Noel Abelardo
BFI Finance Lengkong Bandung (Alamat,No Telepon & Info Pinjaman)
-
Penulis : Pembiayaan BPKB dari %Pembiayaanbpkb.com% Lihat Artikel Aslinya
Disini: %BFI Finance Lengkong Bandung (Alamat,No Telepon & Info Pinjaman)%
BF...
2 years ago